KADARATING lang ng Kapamilya singer-actor na si Iñigo Pascual mula sa ilang linggong pamamalagi sa Amerika, para sa paggawa ng bago niyang single, ang Options.

Iñigo at Maris

Bagamat priority ng batang Pascual ang paggawa ng pelikula, naglaan din siya ng panahon sa kanyang passion for singing.

Sa kanyang pagbabalik, nilinaw ni Iñigo na tuloy pa rin ang pelikulang pagsasamahan nila ng dating ka-love team at kapwa-Star Magic artist na si Maris Racal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ginanap na launch ng kanyang bagong single na Options, ibinida ni Iñigo ang pagtatapos ng post-production ng pelikula niya ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas.

“Yes, tuloy pa din po [ang pelikula],” pagkaklaro ni Inigo.

“I’m dubbing soon. Si Maris (Racal) kakatapos lang niya mag-dub. We’re almost done with the process. Marvel movie po siya sa process; Avengers sa tagal ng process,” patawang sagot niya.

Binigyang-linaw din ni Iñigo na hindi niya tinatalikuran ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas nang mapabalitang ine-explore niya ang posibilidad na magkaroon din ng showbiz career sa Amerika.

“I’m not saying that I’m leaving the Philippines. I think hindi mangyayari ‘yun. I was just representing our country as a Filipino and I should never be ashamed of that and we should be proud of it,” sabi ni Iñigo.

“Hindi po ‘yun (showbiz career) mawawala. I have a movie coming up, I’m still working for some endorsements here (Philippines). It’s not I’m migrating to the States,” paliwanag niya.

Ayon kay Iñigo, tuloy pa rin daw ang pagiging magkaibigan nila ni Maris, at patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng dalagang aktres.

“Before I left for the States, before I left for the whole radio tour in the states, she messaged me saying, ‘congratulations and good luck’, and it meant a lot to me. To be supported by your friends, it meant a lot,” aniya.

“We’re good! Were friends, I know a lot of things happening when I was away when I’m out the country and this is inevitable questions, so we have to answer. We’re okay honestly, we’re not in bad terms.”

Suportado pa rin daw nila sa isa’t isa kahit nabuwag na ang kanilang love team.

“There are things were going thru together. I’m thankful for it and I’m not gonna say anything bad towards her, and I don’t think I can do that. I don’t have the right to say,” paglilinaw ni Iñigo.

“For me, the fact that she supports what I am doing and I’m also supportive of what she’s doing, I think that’s the most important thing with our friendship,” pagtatapos ni Iñigo.

-ADOR V. SALUTA