HINDI pa rin pala nagbabago ng ugali ang malditang so-so actress, na kasama sa teleserye, na marami namang nanonood dahil mahusay ang bidang babae, bukod pa sa maraming followings.

Si so-so actress ay produkto ng talent search, na hindi naman umangat-angat ang pangalan, dahil iilan lang ang proyekto niya. Hindi kasi siya gusto sa production.

At dahil kinontrata na siya ng TV network, kailangang bigyan siya ng projects. Kaya sa ayaw at sa gusto ng mga taga-production ay wala silang choice kundi kunin siya.

Heto na ang siste, planong kuning endorser si so-so actress ng isang kilalang produkto, pero nang i-background check siya ng client ay maraming nalaman tungkol sa kanya, at hindi na binalikan ang kanyang handler.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento sa amin ng mismong client, “Nagustuhan ko kasi ang role niya sa (teleserye) kasi funny naman, so bagay sa product ko.

“Kilala kasi siya ng secretary ko, may common friend sila, so pinakontak ko at pinakuha ko details.

“Aba, eh, kasagut-sagot ba naman, ‘email na lang’. Saan i-email, wala namang ibinigay?

“Hinihingi nga contact number ng handler o sinumang taong puwedeng makausap. Ganu’n naman, ‘di ba, you have to talk with the manager o handler. Eh, iyon ang isinagot.

“Naku, kung ganyan pala ang ugali, hindi ko siya kailangan!”

Nabanggit namin na hindi pa rin pala nagbago si so-so actress dahil saksi kami na sa isang location shoot, kung saan kasama siya, ay dinig namin na sinabihan niya ang PA (personal assistant) ng programa na bigyan siya ng pagkain, dahil ayaw niyang pumila.

Nagulat ang PA ng programa, dahil unang-una, hindi siya ang naka-assign sa mga artista. Trabahong teknikal ang hawak niya.

Ang magalang na sabi ng PA, “Ssabihin ko po kina (kasamang PA), kasi po hindi ako ang naka-assign sa inyo.”

Naloka ang katabi ng so-so-actress, “Bakit hindi ka puwedeng utusan?”

Napakamot na lang ng ulo ang PA at sabay layo.

Isa pang insidente, may magandang bag na nasa upuan na nakaharap sa so-so-actress at sinisipat-sipat niya ito, at nang malamang pag-aari pala ito ng magandang PA ng programa ay sumimangot siya. Kapag umaalis ang may-ari ng magandang bag ay pasimpleng sinisipa-sipa ng malditang aktres ang bag.

Hindi kami kilala ni so-so actress, kaya kahit nakatitig kami sa kanya ay dedma siya at panay pa rin ang dutdot sa cell phone habang nagkukuyakoy.

Anyway, alam na namin kung bakit hindi type ng talent manager ang so-so actress. Feeling siguro niya bad influence ito sa alaga niyang aktor, na rati’y super bait at masunurin pero nagbago ang ugali.

Hindi ba naturuan si so-so actress, o hindi man lang ba niya inabutan sa school ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC)?

-Reggee Bonoan