KAHIT bising-busy sa pag-eestima sa kanyang mga bisita, composed of relatives, friends and supporters sa kanyang thanksgiving dinner last week, malugod pa ring nagpaunlad ng group interview sa amin si Senator Bong Revilla, Jr.

Bong

Sa pakikipag-usap namin sa kanya ay nalaman namin na siya pala ang itinalaga bilang chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media. Maraming batas ang tututukan ng kanyang komite, na makakatulong nang malaki sa mga taga-industriya, lalo na at kabilang sa mga saklaw ng kanyang committee ang television and mass media, including social media.

So take note mga bashers at trolls, na bumabanat sa mga celebrities at politicians. May paglalagyan na kayo sooner than soon, kasi sinabi mismo ni Sen. Bong na kikilos siya upang matigil na ang pamba-bash sa social media.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Bibigyan natin sila ng mukha. Kailangan matigil na ‘yung mga banat nila,” sabi ng dating aktor, na balik-Senado na ngayon.

Inamin ng macho guwapito pa ring senador na masakit pa rin daw ang pandudurog na ginawa sa kanya sa social media nang maakusahan siya sa kasong plunder at makulong. Pero, pinatawad na raw niya ang mga bumanat sa kanya noon.

So far, ayaw raw muna niyang gumawa ng pelikula, kaya hindi rin siya makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, dahil gusto raw niya ay 100% siyang magtratrabaho bilang senador. Ayaw daw niyang biguin ang 14 na milyong Pilipino na muling nagtiwala at nagluklok sa kanya sa Senado.

Ngayong nakabalik na siya sa Senado, ano kaya ang maaasahan ng madlang Pipol mula sa isang Bong Revilla, Jr.?

“Umasa kayo na ibang Bong Revilla, Jr. ang magsisilbi sa inyo sa Senado,” sagot niya in his sweet broadway smile.

Tinanong ni Yours Truly kung ano ang masasabi niya na ang mga Revilla ay panalong-panalo sa Cavite noong eleksiyon, pero ang buong angkan ng friendship at co-detainee niya noon sa Camp Crame na si Ex-Senador Jinggoy Estrada ay natalo naman sa Maynila at San Juan, at maging mismong ang dating senador ay bigo ring makabalik sa Senado, hindi tulad niya?

“Alam ko makakabalik sila. Dahil mabubuti naman silang mga tao,” sinsero niyang sagot.

Korek ka diyan, Sen. Bong, dahil napatunayan mismo ni Yours Truly na kay daling lapitan at hingan ng tulong at pampaospital si dating Sen. Jinggoy noong nasa Senado pa siya.

At maging si Senador Bong ay mabilis umaksiyon, hindi tulad ng iba na pababalik-balikin pa sa opisina, tapos ang ibibigay ay abonado pa sa pasahe ng nanghihingi ng tulong, sa true lang!

-MERCY LEJARDE