TINAGHAL na kampeon ang Bacoor Strike sa Serbisyo sa pagtatapos ng Metro League Reinforced (2nd) Conference, sa pamamagitan ng 67-60 paggapi sa Caloocan-Gerryâs Grill sa kanilang winner-take-all Game 3 nitong Sabado sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.
Pinasiklab nina Mark Montuano at Mark Pangilinan ang ratsada ng Strikers sa fourth period upang makopo ang titulo sa una nilang pagsali sa liga na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 bilang league presentor.
Isang beses lamang nakatikim ng talo ang Bacoor sa import-flavored conference na ito mula sa eliminations sa South Division at ito ay noong Game 2 ng best-of-three finals series nila ng Caloocan sa torneong itinataguyod ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation bilang major sponsors.
Tumapos si Montuano na may game-high 18 puntos, kabilang ang pitong isinalansan niya sa final canto, habang nagdagdag naman si Pangilinan ng 11 puntos, kabilang ang tatlong triples na ipinukol nya sa fourth period.
Mula sa 52-62 pagkakaiwan may nalalabi pang 3:34 sa laro sanhi ng 19-5 run na pinangunahan nina Montuano at Pangilinan, nakadikit pa ang Caloocan at tinapyas sa 60-64 ang lamang sa pamumuno nina Robbie Darang at Abdoulaye Niang ngunit sinelyuhan ni Eric Acuña ang panalo sa pamamagitan ng dalawang free throws sa natitirang 14 segundo.
Nagsipag-ambag din ng malaki sa panalo sina King Descamento, ang nahirang na Reinforced (2nd) Conference Most Valuable Player, sa itinala nitong 13 puntos at 13 ring rebounds at ang Best Import na si Prince Orizu na may 11 puntos at 13 boards.
Nanguna naman si Darang na may team-best 13 puntos para sa Supremos na tumapos na runner-up sa ligang sinuportahan din ng Gerryâs Grill, Summit Water, Alcoplus, Natureâs Spring at Goodfellow gayundin ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.
Bigo naman sa tangkang twinkill ang Bacoor matapos matalo ng Caloocan Arceegee ang Bacoor City Agimat, 59-50, sa Game 3 ng 17 and under finals series.
Ipinamahagi naman nina M-League officials na kinabibilangan nina Metro Manila Development Authority Sports Fest Chairman Bonnie Tan, Finance Director Waiyip Chong, deputy tournament director Fidel Mangonon III, Commissioner Glenn Capacio at technical committee head Lou Gatumbato ang championsâ trophies at individual awards matapos ang laro.
-Marivic Awitan
Iskor:
(17U Finals Game 3)
Caloocan-Arceegee (59) â Estrada 17, Gazzingan 12, Pancho 10, El-Hag 9, Santos 5, Gines 2, Principe 2, Valencia 2, Bustria 0
Bacoor City Agimat (50) â Gutierrez 10, Porcadas 10, Aranilla 9, Melencio 8, Pecho 6, Rocha 4, Torno 3, Bautista 0, Buhay 0, Cornand 0, Corrales 0
Quarterscores: 9-15, 23-31, 42-37, 59-50
(Reinforced Finals Game 3)
Bacoor Strike sa Serbisyo (67) â Montuano 18, Descamento 13, Orizu 11, Pangilinan 11, Miranda 6, Acuna 4, Malabag 3, Ochea 1, Aquino 0
Caloocan-Gerryâs Grill (60) â Darang 13, Niang 12, Bauzon 11, De Mesa 11, Brutas 7, Enriquez 6, De Leon 0, Tay 0
Quarterscores: 15-19, 29-28, 43-47, 67-60