Sinampahan na rin ng kaso sa Office of the Ombudsman ang kapatid ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III kaugnay ng pinasok ng kumpanya ng kanilang pamilya na irregular lease contract sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

PHILHEALTH

Dahil dito, nahaharap na si Social Security Commission (SSC) Chairman Atty. Gonzalo Duque sa kasong graft, breach of conduct at plunder na isinampa na sa anti-graft agency.

Ito ay nag-ugat nang maghain ng 20 pahinang joint supplemental complaint-affidavit ang mga magulang ng 11 Dengvaxia victims kung saan hinihiling nila na maisama sa kaso ang nabanggit na abugado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Anila, pinayagan pa rin ng dalawa ang kanilang kumpanya na pumasok sa anumang kasunduan sa PhilHealth, kahit ex-officio  chairman ng ahensya ang kalihim.

Tinukoy sa reklamo ang pagpasok ng Educational and Medical Development Corporation (EMDC) sa lease contract sa PhilHealth kung saan tumatanggap umano ang mga ito ng P529,261.20 kada buwan bilang renta ng nasabing kumpanya noong nakaraang taon, bukod pa ang advance security deposit ng ahensya na P1,105,500.

Sa kanilang reklamo, sinabi ng mga ito na masyadong malaki ang naturang buwanang renta at tinukoy din ang pagkakaroon ng conflict of interest nito dahil sa kanyang posisyon bilang DOH Secretary.

Inireklamo rin ng mga ito ang pagkabigo ng nasabing kumpanya na magbigay ng medical assistance sa kanilang mga anak.

Hindi rin anila nagbigay ng anumang tulong si Duque sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa Dengvaxia vaccines.

“While PhilHealth funds are being dissipated and misappropriated to benefit respondents Duque as well as his immediate relatives, Dengvaxia victims and the poor Filipino people who cannot afford medical, diagnostic, and hospital expenses are being deprived of full coverage of PhilHealth funds in case of indigency,” ayon pa sa reklamo ng mga ito.

-Czarina Nicole Ong Ki