Patuloy na umaangat ang tubig sa Angat Dam dahil sa pag-uulang dala ng habagat hanggang ngayong Lunes.

UMAANGAT Bahagyang tumaas ang water level sa Angat Dam sa simula kahapon dahil sa pag-uulang dulot ng habagat. Gayunman, nananatili pa rin ito sa critical level. (MARK BALMORES)

UMAANGAT Bahagyang tumaas ang water level sa Angat Dam sa simula kahapon dahil sa pag-uulang dulot ng habagat. Gayunman, nananatili pa rin ito sa critical level. (MARK BALMORES)

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, tumaas sa 159.85 metro ang tubig sa Angat Dam, o mas mataas ng 1.21 metro sa 158.64 metrong naitala kahapon.

Simula nang bumaba sa 160-metrong critical level ang tubig sa Angat nitong Hunyo 22, binawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang supply sa Metro Manila, na nagbunsod sa arawang rotating water service interruptions sa maraming lugar sa Kamaynilaan, gayundin sa Cavite at Rizal.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

“For now allocation is still maintained at 36 cms (cubic meter per second) considering the (water) level is still below the critical,” sabi kahapon ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr.

“We have to monitor if there is a steady increase in the elevation before we make any adjustments in the allocation,” dagdag niya.

Bago magtanghali ngayong Lunes, halos hindi kumikilos ang bagyong ‘Egay’ sa Philippine Sea, at hindi inaasahang magla-landfall sa bansa, ayon sa PAGASA.

-Ellalyn De Vera-Ruiz