BROOKYLYN (AP) – Tila alam na ng Golden State Warriors ang pag-alsa balutan ni Kevin Durant para sa Brooklyn Nets.
At isa ring superstar ang handa nilang ipunan sa bakanteng iniwan ni Durant sa katauhan ni All-Star point guard D’Angelo Russell sa inilatag na sign-and-trade deal.
Sa ulat ni Shams Charania ng The Athletic, halos tapos na ang usapin at kasama ni Russell na tutulak patungong California sina Treveon Graham at Shabazz Napier. Sa ulat ni ESPN’s Adrian Wojnarowski, apat na taon ang kontrata ni Russell na nagkakahalaga ng US$117 million maximum contract.
Orihinal na nakuha si Russell bilang No. 2 overall ng Los Angeles Lakers noong 2015, ngunit lumutang ito bilang All-Star sa Brooklyn. Naitala niya ang averaged career-best line (21.1 ppg, 3.9 rpg, 7.0 apg, 43.4 FG%, 36.9 3P%) para pangunahan ang Nets sa playoffs sa unang pagkakataon matapos ang apat na season.
Sa ulat ni Wojnarowski, inilagay din ng Warriors sa trading block si Andre Iguodala sa Memphis Grizzlies, kasama ang 2024 first-round pick