ANG muling paghaharap.

Apat na araw bago ang inaabangang eleksyon, nagpatawag ng Special Meeting ang Executive Board ng Philippine Olympic Committee (POC), sa pangunguna ni acting president Joey Romasanta, ngayon sa Mancom Conference Hall ng GSIS Building sa Pasay City.

Sa isang imbitasyon na ipinadala ni Romasanta sa mga miyembro ng Board, sinabi niya na ito ang panahon upang pag-usapan ang ilang mahahalagang bagay ukol sa organisasyon, tulad na lamang ng pagbabago ng liderato.

Bukod dito, tatalakayin din ang pagtibay sa resignasyon o pagbibitiw sa puwesto ng ilang opisyales o miyembro ng POC Executive Board.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Kabilang din sa pag-uusapan ang ipinatawag na election ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino sa Hulyo 5 at iba pang mga bagay kaugnay ng pagbabago sa liderato ng nasabing organisayon.

Higit sa lahat, tatalakayin din umano ang kasalukuyang estado ng preparasyon para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games hosting na magaganap ngayong Nobyembre 30.

Una nang nagpatawag ng isang Extraordinary General Assembly si Tolentino noong Hunyo 25 sa gusali din ng GSIS ngunit tinawag nila itong “invalid” o walang bisa gayung ayon sa batas ng POC, maari lamang na magpatawag ng nasabing pagpupulong ang kanilang chairman makalipas ang sampung araw, matapos ang pagbibitiw ng kanilang presidente.

Sa kasong ito, wala pang sampung araw nakakapagbitiw ang dating presidente na si Ricky Vargas. kung kaya naman na[agdesisyunan ng mga miyembro ng Board, na magsagawa na lamang ng Special election at bakantehin ang kanilang posisyon.

“Ang gusto lang naman talaga namin ‘yung magkaiisa na lahat. We can’t go on like this forever.,” pahayag naman ni Romasanta na una nang nagpahayag na hindi umano siya tatakbo sa kahit na anumang posisyon sa POC.

-Annie Abad