PATULOY ang pamamayagpag ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) sa international competition.
Sa tulong ng Go For Gold, magkasunod na tagumpay ang naitala ng Philippine Team sa Singapore at China.
Nakuha ng National paddlers ang dalawang gintong medalya sa 2019 DBS Marina Regatta sa Singapore. Sinundan ito ng dalawang gintong nahakot sa pamosong 2019 Beijing International Dragonboat Tournament sa China.
Bunsod nito, walang pagtutol ang lahat ng miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ipagkaloob sa PCKDF team na pinangangasiwaan ni Jonne Go at coach Len Escollante ang “Athletes of the Month” honor para sa buwan ng Hunyo.
Ito ang unang pagkakataon na isang koponan ang napili para s aparangal ng TOPS na binubuo ng mga sports editors, reporters, columnists at photographers ng mga tabloids newspaper sa bansa.
“TOPS unanimously select the PCKDF for our monthly award following their success in the two highly-competitive meets in Singapore and China,” pahayag ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.
“There are other outstanding achievements by the Filipino athletes in the month which just ended. But the PCKDF team’s triumphs clearly stood outaniya.
Batay sa marka, naitala ng Nationals ang dalawang minute at 30.85 segundo sa 500m para gapiin ang Chinese squads Dubula (2:39.88) at Beijing Fuxing Dragon Warriors (2:41.12), habang naorasan sa 250m (1:10.56).
Sa Singapore, nailista ng Nationals ang tyempong 1:00.76 sa 10-seater premier women’s division 200m and 20-seater premier mixed category, habang nagwagi ng silver sa premier open class.
Naungusan nila sa parangal sina Chino Tancontian at Patrick Manicad, nagwagi ng gintong medalya sa 2nd Southeast Asian Sambo Championships sa Bandung, Indonesia; Jordan Dominguez ng Mountain Province, bronze medalist sa World Taekwondo Poomsae Grand Prix sa Rome, Italy; at Kareel Meer Hongitan ng Baguio City, umusad sa round of 16 sa 2019 World Archery Championship sa Netherlands.
Itinataguyod ang TOPS “”Athlete of the Month” awards ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.