Sinibak na sa kanyang assignment at iniimbestigahan na rin ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang isa nilang pari na inakusahan ng isang dalaga na gumahasa sa kanya.

PARI

Kinumpirma ni Archbishop Florencio Lavarias, arsobispo ng Archdiocese of San Fernando na inalis na nila si Fr. Daniel Alvarado Baul, na dating Apostolate director ng Bahay Pag ibig, Munting Tahanan ng Nazareth, sa kanyang puwesto noon pang Marso 2019.

Isinasailalim na rin aniya ito sa Ecclesiastical investigation.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Bilang pagtalima at pakikipag-cooperate sa civil authorities, pinagsabihan din umano ng Arsobispo ang Pari na sumailalim sa imbestigasyon ng mga awtoridad at harapin sa korte ang alegasyon laban sa kanya.

Bukod sa isinasagawang Church investigation, ipinaubaya na ni Archbishop Lavarias sa mga awtoridad at korte ang kaso.

“The Priest have been relieve, investigation is ongoing and was ask to face the case," ani Lavarias, sa panayam ng church-run Radio Veritas

Tiniyak din ni Lavarias na nasa mabuting pangangalaga ng Archdiocese of San Fernando ang babaeng nagsampa ng reklamo laban kay Baul.

Nilinaw ng Arsobispo, sinunod niya ang protocol ng Simbahan kapag may inihaing reklamo laban sa mga pari.

-Mary Ann Santiago