Good news para sa mga karinderya, at sa mga ilaw ng tahanan!

LPG

Pinangunahan ng Petron ang malaking bawas-presyo sa liquefied petroleum gas o LPG ngayong Lunes.

Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng umaga kanina nang nagbawas ito ng P3.40 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, o katumbas ng P37.40 rollback sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG nito.

National

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA

Bukod dito, binawasan din Petron ng P1.90 ang Auto-LPG nito, na ginagamit naman sa taxi.

Samantala, nasa P3.36 kada kilo naman ang ni-rollback ng Solane, katumbas ng P36.96 na bawas-presyo sa regular na tangke ng LPG nito.

-Bella Gamotea