Magpa-full tank ka na, bilis!!!

OIL

Nagkukumahog ngayong Lunes ang mga motorista sa pagpapakarga ng gasolina upang hindi maapektuhan ng panibagong big-time oil price hike, na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis bukas.

Sa pahayag ng Pilipinas Shell, Petron, Flying V, at Seoil, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Hulyo 2, ay nagtaas ang mga ito ng P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.00 sa kerosene, at P0.95 sa diesel.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Kaagad na sumunod na nagpatupad ang PTT Philippines, Petro Gazz, at Eastern Petroleum ng kaparehong taas-presyo sa gasolina at diesel nito.

Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, at epekto ng tensiyon sa Middle East.

Ito na ang ikatlong linggong bugso ng oil price hike.

Kung susumahin, sa nakalipas na tatlong linggong dagdag-presyo, ay umabot na sa kabuuang P1.85 ang nadagdag sa presyo ng gasolina, at P1.70 naman sa diesel at kerosene.

-Bella Gamotea