Kakaiba ang gimik ng isang café sa Thailand upang makaakit ng mga customer— inilalagay nila sa ataul ang mga customer matapos makaubos ng kape.
Tampok sa Death Awareness Cafe sa Bangkok ang mortuary-inspired decor at ang ataul para sa mga customer na gustong mapag-isa matapos bumili ng kape,
Ayon kay Veeranut Rojanaprapa, owner ng café, hangad nila na maka-inspire ng mga costumer upang makapag-isip-isip sa kanilang buhay. Mula ang ideya sa Buddhist philosophy at layong hikayatin ang mga tao na huwag magpalamon sa ganid.
"Our main goal is for the visitor to experience the death awareness,"a niya. "When the lid of the coffin closes, their basic instincts will come up and they will realize that eventually they cannot take anything with them."