NAKATAKDANG i-trade sa Miami Heat si Jimmy Butler matapos pumirma ng US$142 milyon sa loob ng apat na taon sa Philadelphia Sixers, ayon sa opisyal na may direktang kinalaman sa usapin.

May ilang gusot pang inaayos ang Miami at Philadelphia, kabilang ang pagsama sa negosasyon bilang third party ang Dallas Mavericks.

Ipinamigay ng Heat sina Josh Richardson sa Philadelphia, habang nakaumang ang trade ni Heat star guard Goran Dragic sa Dallas.

Nakipagpulong na si Butler sa mga opisyal ng Heat matapos pormal na magsimula ang free agency nitong Linggo (Lunes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Idinagdag naman sa lakas ng Sixers si Al Horford na sumang-ayon sa alok na apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng US$97 milyon. Ayon sa source, posibleng umabot ang kontrata sa US$109 milyon kung maaayos ang ilang isyu sa incentives.

Hindi pa maituturing opisyal ang usapin batay sa kasunduan sa AP.

Tangan ng 6-foot-10 Horford ang averaged 13.6 puntos, 6.7 rebounds at 4.2 assists para sa Boston sa nakalipas na season.