TODO ang suporta ng mga Bulakenyong basketball afficionados sa Bulacan Kuyas dahil din sa todo suportang tinatanggap nila sa kanilang team owner na si Cong. Jose “Kuya” Antonio Sy Alvarado.

Kung may pagkakataon, pinipilit ni Cong. Alvarado na masamahan sa bawat laban ang koponan sa iba’t ibang venue ng Maharlika Philipppine Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019 at may rekord ngayong 2 panalo at isang talo at huling pinataob ang Bicol Volcano.

Nabatid na todo ang ayuda ng nakababatang Alvarado sa mga sports program hindi lamang sa 1st district ng Bulacan na kanyang ng nasasakupan kundi main sa buong lalawigan na binubuo ng 21 bayan at tatlong siyudad at idolo ngayong ng mga kabataang Bulakenyo ang Bulacan Kuyas dahil sa ipinapakitang laro sa ang MPBL.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!