Pinarangalan ang isang sanggol sa Indonesia ng “world’s strangest name” matapos mapag-alaman na ‘Google’ ang inirehistrong pangalan ng isang mag-asawa sa kannilang bagong anak, walang surname o middle name, tanging Google lamang na tulad ng search engine.

Ayon sa 31-anyos na si Andi Cahya Saputra, ang tatay ng walong-buwan na sanggol, nais niyang bigyan ang kanyang anak ng tech-related na pangalan noong pinagbubuntis ito ng kanyang misis. Kaya naman naghanap siya ng mga pangalan ng technology companies at produkto tulad ng “Windows, iPhone, Microsoft and iOS”, hanggang sa napili niya ang Google. Bagamat ayaw umanong pumayag ng kanyang asawa noong una, kalaunan ay napagkasunduan na rin nila na ipangalan ang kanilang anak sa world’s most popular internet search engine.

Ayon sa mga lokal na pahayagan, ayaw pa umano ni Ella Karin, ang ina ng bata, na ipagsabi ang pangalan ng kanyang anak.

Nang matanong kung bakit hindi nila sinamahan ng apelyido o second name ang pangalan ni Google, ayaw umano nila na masira ang esensiya ng espesyal na pangalan ng kanilang anak.

Trending

'Say aahh' Lalaking nag-aapply ng trabaho, sinubuan habang nasa online interview

“I told my father, ‘Pak, Google has a great meaning, because I hope Google can help many people, become a useful person to others,'” pahayag ng ama ni Google. “Google is number one in the world, the site most visited by people.”