Durant, inisnab ang maximum contract na alok ng Golden State
NEW YORK (AP) — Tsismis noon, kasaysayan ngayon.

Tuluyang binasag ni Kevin Durant ang pananahimik sa ispekulasyon sa kanyang pamosong career nang pormal na ihayag ang paglipat sa Brooklyn Nets matapos ang tatlong season na nagresulta ng back-to-back title sa Golden State Warriors.
Sa pagsisimula ng NBA free agency period nitong Linggo (Lunes sa Manila), nahubaran ng maskara ang mga plano ng mga ‘marquee players’ sa free agency, sapangunguna ni Durant na inihayag ang naging desisyon sa Instagram page na The Boardroom, na pinatatakbo ni Durant at business partner na si Rich Kleiman.
Bahagi ng pundasyon sa kampeonato ng Golden State (2017 at 2018) si Durant,ngunit sinawing-palad na ma-injured sa playoff series laban sa Houston Rockets. Nadoble ang kanyang injury nang pumutok ang Achilles nang magbalik-aksiyon siya sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors.
Unang isiniwalat ng ESPN ang balitang pagtangap ni Durant sa alok na US$164 milyon sa loob ng apat na taon ng Brooklyn. Nakatakda siyang tumanggap ng US$221 milyon sa loob ng limang taon kung nanatili siya sa Golden State.
I p i n a p a l a g a y n a ‘serious title contender’ na ang Brooklyn, higit at makakasama ni Durant ang all-star center na si DeAndre Jordan.
Kinumpirma ng kanyang agent na si Jeff Schwartz ang paglipat ni Jordan sa Brooklyn mula sa kapit-bahay na New York Knicks sa halagang US$40 milyon sa loob ng apat na taon.
Napunta si Jordan sa Dallas sa nakalipas na season matapos ang trade kay Kristaps Porzingis. Naitala niya ang averaged 11 puntos at 13.1 rebounds.
Tangan ng Brooklyn ang 42-20 karta sa nakalipas na season.