DALAWANG aktibidad na naglalayong pataasin ang kaalaman ng sambayanan sa buting maidudulot ng responsableng pagmamay-ari ng baril ang ilalarga ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD).

INILUNSAD ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD), sa pamumuno ni Alaric Topacio (gitna) ang dalawang malaking aktibidad bilang tapik sa balikat sa Philippine shooting program -- - Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Hulyo 11-15 sa Megatrade Hall at IPSC Australasia Handgun Championship sa Nobyembre 10-17 sa Lipa City, Batangas. Nakiisa rin ang mga opisyal ng grupo na sina (mula sa kaliwa) Jessica Li, Kalki Jimenez, Edwin Año at Pamela Comia.

INILUNSAD ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD), sa pamumuno ni Alaric Topacio (gitna) ang dalawang malaking aktibidad bilang tapik sa balikat sa Philippine shooting program -- - Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Hulyo 11-15 sa Megatrade Hall at IPSC Australasia Handgun Championship sa Nobyembre 10-17 sa Lipa City, Batangas. Nakiisa rin ang mga opisyal ng grupo na sina (mula sa kaliwa) Jessica Li, Kalki Jimenez, Edwin Año at Pamela Comia.

Ipinahayag ni Alaric Topacio, pangulo ng AFAD – itinuturing pinakamalaking samahan ng gun dealer at accessories sa bansa – ang pagsasagawa ng Defense & Sporting Arms Show (DSAS) at 2019 IPSC Australasia Handgun Championship.

Ayon kay Topacio ang international-flavored shooting competition na nakatakda sa Nobyembre 10-17 sa Lipa City, Batangas ay paraan din ng AFAD para matulungan ang mga miyembro ng Philippine Team sa kanilang paghahanda sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Bukod sa AFAD Cup,suportado rin ng grupo ang partisipasyon ng Nationals sa 2019 IPSC Rifle World Shoot II sa Agosoto 3-10 sa Karlskoga, Sweden.

“AFAD Inc. has always been supportive of talented Filipino athletes who bring recognition and honor to the country in all international shooting competitions,” pahayag ni Topacio.

Iginiit naman ni AFAD vice president Edwin Año na layunin ng AFAD na maitaas ang kaalaman at promosyon ng shooting sa sambayanan bilang recreational and competitive activities.

“Filipinos stand a big chance to excel in various disciplines of shooting sports. In fact, a shorter shooter can maintain better balance when standing for long periods of time holding a gun, as well as keep their gun steady,” pahayag ni Año.

Ang AFAD ang pinakamalaking asosasyon ng mga gun dealers at accessories at nagtataguyod ng Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa nakalipas na 27 taon.

Ngayong taon, kabuuang 60 exhibitors na magtatampok ng iba’t ibang firearms, ammunition at shooting paraphernalia.

“We expect over 25,000 firearms and shooting sports enthusiasts to visit the five-day exhibit to be held on July 11-15, 2019 at the Megatrade Hall inside SM Megamall in Mandaluyong City,” pahayag ni Topacio.

Inaasahang makikiisa sa programa sina World shooting champion Jethro Dionisio, Jag Lejano, Edward Rivera, Joey Delos Santos, Kahlil Viray, Huey Co, Mariboy Alejandro, at Bro Tecson, gayundin ang top female shooters na sina Grace Tamayo, Marly Martyr, at Evelyn Woods.

Ayon kay Pamela Comia, AFAD Board member, tumataas ang bilang ng mga babae na nagkakainteres sa pagbili at pagsasanay sa pagbaril, patunay na mataas na ang kaalaman ng sambayanan sa ‘responsible gun ownership’.

“Gender is not a prerequisite for having the capability to protect yourself,” ayon kay Comia.

Magsasagawa rin ng libreng seminars sa ‘responsible gun ownership’, firearms safety handling, martial arts, at one-stop shop para sa renewal at pagpaparehistro ng lisensya.

Itinatatag ang AFAD noong 1989 at kasalukuyang may kabuuang 60 miyembro na nagsasagawa ng regular na pagpupulong para maisulong ang ‘self-regulating policies’ para mapaunlad ang industriya at pakikiisa sa paglaban ng pamahalaan sa illegal na pagbebenta ng baril.