ISANG magandang balita itong plano ni Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ibabalik niya ang nutribun at gatas para sa lahat ng nasa pampublikong elementary school sa lungsod.

isko moreno

Matatandaang ang kaparehong proyekto ay sinimulan ni dating President Ferdinand Marcos noong dekada ‘70s para sa malnutrition program ng kanyang gobyerno.

Nawala ang project na ito noong ‘80s kasunod ng pagkaunti ng bilang ng mga apektado ng malnutrisyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At dahil nagtaasan ang lahat ng bilihin at naging mahirap ang buhay, maraming bata ngayon ang pumapasok sa eskuwelahan nang gutom, partikular na ang mga nag-aaral sa Grades 1-6.

Ayon kay Mayor Isko, “Marami sa mga mag-aaral natin na pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan at gutom, dala na rin siguro ng hirap ng buhay. Alam ko po ang pakiramdam na iyon sapagkat isa rin po ako sa mga batang pumapasok na walang laman ang tiyan.

“Kaya po ang pangarap natin sa lungsod ng Maynila ay maibalik ang nutribun at gatas sa loob ng paaralan.”

Nabanggit m u l i n g bagong Ama ng Maynila na para magkaroon siya noon ng pambili ng mga kailangan niya sa eskuwelahan ay kailangan niyang mangolekta ng basura. Naging side car boy din siya, kaya alam niya ang dinaranas ng bawat bata.

Kaya talagang isusulong ni Mayor Isko ang nutribun at gatas bilang parte ng feeding program niya.

“Noong araw, may programa ang gobyerno kung saan tinutugunan ang nutrisyon ng mga kabataan sa loob ng paaralan. Kaya po ang pangarap natin sa lungsod ng Maynila ay maibalik ang nutribun at gatas sa loob ng paaralan,” pahayag pa ng alkalde.

Masuwerte kami na naabutan ang nutribun at gatas noong ako’y nasa elementarya at high school. At totoo, super nakakabusog ang isang buong tinapay, at gatas. Pero sa bandang huli ay lumiit na ito, kaya kailangang dalawa na ang bilhin.

-Reggee Bonoan