Ni Gilbert Espeña
TIYAK na papasok ang walang talong Amerikano na si Angelo Leo sa rating ng World Boxing Council (WBC) na kampeon si Rey Vargas ng Mexico makaraan niyang talunin sa 10-round unanimous decision si WBC No. 9 Mark John Yap ng Pilipinas kahapon sa Sam’s Town Hotel & Gambling Hall, Las Vegas, Nevada sa United States.
Ito ang unang pagkakataon na lumaban si Yap sa US matapos magbase nang matagal sa Japan kung saan naging OPBF bantamweight champion siya pero hindi nakipagsabayan sa kanya si Leo na nakuntento sa pagwawagi sa puntos sa mga iskor na 98-92, 99-91 at 99-91 sa mga huradong pawang Amerikano.
Madalas lumaban sa Las Vegas si Leo na tinalo ang mga Pilipinong sina Glenn Porras via 1st round knockout at John Neil Tabanao sa 10-round unanimous decision.
May perpektong kartada si Leo na 18 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Yap ay bumagsak ang rekord na 30 panalo, 14 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts.