Ni Gilbert Espeña

SA kabila ng kabiguan via 3rd round technical knockout noong nakaraang Mayo 18, muling lalaban si dating IBO super featherweight champion Jack Asis laban sa mapanganib at walang talong si Aussie Youseff Dib sa Agosto 3 sa Emporium Function Centre, Bankstown, Sydney, Australia.

Nabigo si Asis sa kanyang huling laban kay Bowyn Morgan na tatlong beses siyang pinabagsak sa 3rd round kaya itinigil ni referee Kevin Pyne ang sagupaan para sa bakanteng World Boxing Union welterweight title sa Christchurch, New Zealand.

Nasa edad 36 na si Asis kaya masasabing delikadong lumaban sa tulad ni Dib na 26-anyos pa lamang at may perpektong rekord na 12 panalo, 5 sa pamamagitan ng knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natamo ni Asis ang bakanteng IBO super featherweight title nang palasapin ng unang pagkatalo si Aussie Kye MacKenzie noong Abril 11, 2015 via 8th round TKO sa New Lambton, New South Wales, Australia.

Nabigo siyang maipagtanggol ang IBO title nang matalo sa puntos kay ex-IBF super featherweight champion Malcolm Klassen sa sagupaan sa Emerald Casino, Vanderbijlpark, South Africa noong Agosto 5, 2016.

May kartada si Asis na binansagang “The Assassin” sa Australia na 38-22-5 na may 19 pagwawagi sa knockouts.