PANGUNGUNAHAN nina Dimple Melendres, Annyssa Tongko at Zhaira Navarra kasama sina Iñigo Morales, Lawrence Pascua at Clutch Jandumon ang kampanya ng Panthers sa pagtulak ng 2nd Panther 1900 below Non-Master Chess Tournament bukas sa New Prodon Academy of Valenzuela, sa Gen. T. De Leon sa Valenuzela City.

“It’s going to be exciting, that’s for sure,” sabi ni tournament organizer Mr. Kenneth Resurreccion na nagsasabing ang mga varsisty players mula sa Sto. Rosario Montessori School of Valenzuela na seselyuhan nina Cesar John P. Carpizo, Rowan Ian D. Saulog at Mary Kate R. Bautista ay nagkumpirma na ng kanilang partisipasyon.

Ang one-day tournament na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines ay may total prize fund P10,400 kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng lion’s share P4,000 at medalya.

“It will be very tough playing against the top players from Metro Manila as well nearby province,” sabi ni tournament director Mr. Jayson Resurreccion na dagdag hamon sa torneo ang paglahok ng mga Collegiate and Universities woodpushers.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang Chief Arbiter ay si Fide National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy ng Chess Arbiter Union of the Philippines.

Ang tournament registration fee ay P350 habang P250 sa kiddies. Makipag-ugnayan o mag-text sa mga mobile numbers 0906-822-0786 at 0933-948-3129 para sa dagdag detalye.