TINALO ni Jonas Magpantay ng Pilipinas si Kari Gary Laine ng Finland, 11-8, para magkampeon sa Double Kiss Anniversary Cup 9 Ball Open Tournament na ginanap sa Double Kiss Pool hall and Sports Lounge sa Pattaya, Thailand nitong Hunyo 23.

Magpantay

Magpantay

Ang Bansud, Oriental Mindoro native na si Magpantay ay nagbulsa ng 30,000 Thai Baht dahil sa kanyang tagumpay.

“I’m very, very happy now because it’s been a long time i didn’t win any major event,” sabi ng 25-anyos na pambato ni sportsman/businessman Rolly Baron na dalawang beses na nagtapos ng top 8 sa World Junior of Pool na ginanap sa Reno, Nevada, USA noong 2008 at 2011 edition.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Makakatambal ni Magpantay ang isa pang Filipino entry na si Jeffrey Prieto sa Mega Break 10-ball Scotch Doubles na sasargo ngayon sa Pattaya, Thailand.

Ang kampanya nina Magpantay at Prieto sa Pattaya, Thailand trip ay suportado ni Mr. Sasha Bilov sa pakikipagtulungan ng Taom Billiards at ng Thailand Pool Tables.