HINIHIKAYAT ng Philippine Network for Organ Sharing (PhilNOS) and Philippine Network for Organ Donation, kaugnay na ahensiya ng Department of Health, ang mga Pangasinense na maging organ donor.

Pagbabahagi ni Dr. Francisco Sarmiento, program manager ng PhilNOS, mahigit 100 pasyente ang naghihintay ng mga donor upang maisakatuparan ang kanilang transplant.

Aniya, karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng kidney, atay, esophagus, at pancreas.

“The average waiting time for the candidates is three to four years for them to find donors,” sinabi ni Sarmiento sa isang panayam nitong Martes, kasabay ng Organ and Tissue Donation Advocacy Campaign sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan City, Pangasinan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dagdag pa ni Sarmiento, sa pagdami ng mga organ donor, maaari ring bumaba ang gastos para sa transplant.

“If there are many who are donating, then the procedure (transplanting) will be frequent like in the law of supply and demand, the cost will possibly go down. But with no organ donation, then there will be no transplantation,” aniya.

Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ang kidney transplant ng P1 milyon hanggang P1.5 milyon, dagdag pa ang buwanang gastos para sa post-transplant, na nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P40,000, habang umaabot naman ng P6 milyon ang liver transplant.

Ipinaliwanag din ni Sarmiento ang tatlong uri ng organ donors – ang living related donors; living non-related donors; at deceased donation.

Nasa 25,000 ang lumagda bilang living organ donors, habang patuloy pa ang kanyang paghikayat para sa mas maraming donor.

Siniguro naman niya ang tiyak na seguridad at privacy ng listahan ng mga nagpalistang organ donor.

“There are misconceptions about organ donation. They said potential organ donors are targets but this is not true. Our data base for living organ donors is secured and it is not available on the web,” aniya.

Samantala, ipinaalala rin niya ang ipinapatupad na financial neutrality sa mga organ donor, na nangangahulugang hindi makatatanggap ng anumang salapi ang magdo-donate at makatatanggap ng organ.

“When God gave us kidneys, did he ask for payment? So, why would we? Rather, organ donation will save more lives,” aniya.

Idinagdag din niya ang pagpapatupad nila ng “Filipino-first-policy” kung saan prioridad sa transplant ang mga Pilipino, kumpara sa mga banyagang nangangailangan.

PNA