HANDA ang kumpiyansa ang Go For Gold Philippines na maipakita sa mundo ang tunay na galing Pinoy sa basketball sa pagtatangka na maitala ang bagong Guinness World Record para sa pinakamarami at sabay-sabay na players na magdi-dribble ng bola.

Ipinahayang ni Go For Gold godfather Jeremy Go sa ginanap na media conference nitong Huwebes na kabuuang 10,000 dribblers ang kumpirmadong sasabak sa gagawing pagtatangka ngayon sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’pahayag ni Go.

“We believe that this will be a good way to bring buzz and excitement to kick start our country’s program,’’ ayon sa vice president for marketing of Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang prime mover ng Go For Gold project.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Suportado ang programa ng International Basketball Federation ( Fiba) na kamakailan ay nakipagkasundo para sa isang tambalan na hihikayat sa Pinoy na suportahan ang paghahanda at kampanya ng Gilas Pilipinas men’s basketball ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Fiba World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Imbitado rin para sumaksi sa kasaysayan ang mga miyembro ng National Team at mga opisyal ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission bilang bahago ng paghahanda sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre.

Naitala ang dating record na 7,556 sa event na inorganisa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong Hulyo 22, 2010.

Sa mga interesadong makilahok, buksan ang www. goforgoldworldrecordattempt. com.

“Also in line with our motto `Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserve the best, whether it is in training, sports, events, even scratch tickets, we want to have an international record that we can be proud of,’’ sambit ni Go.

Inaasahan ding makikibahagi ang mga players, coaches at officials ng mga koponan mula sa Philippine Basketball Association at Maharlika Pilipinas Basketball League.

Suportado ng Go For Gold ang sports program sa basketball, higit sa partisipasyon ng defending champion San Juan Knights-Go For Gold sa MPBL at PBA D-League champion Go For Gold-CSB.

Itinataguyod din ng Go For Gold ang partisipasyon ng Philippine Navy Sea Lions sa Global King of Kings Basketball Challenge sa Shanghai, China sa Aug. 8-11, gayundin ang PH Air Force Go For Gold Air Spikers, ang defending Spikers’ Turf champion.

-Annie Abad