INIHAYAG ng award-winning filmmaker na si Adolfo Alix, Jr. ang paghanga niya sa veteran actress na si Anita Linda sa “Sandaan: Dunong ng Isang Ina” event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para parangalan ang mga naiambag ng aktres sa Philippine cinema, na ginanap nitong Hunyo 16, 2019 sa Cinematheque Centre Manila.
“She is a living storyteller of how the Philippine cinema evolved. So banggitin n’yo lang po sa kanya ‘yung isang pelikulang nagawa niya, and she will tell you wonderful stories about how the film was made, what anecdote she has with the director or co-actors, which I think is a great testament to the entire history of cinema,” anang direktor.
Bahagi rin ang event sa paggunita sa Sandaan: Ang ika-Isang Daang Taon ng Philippine Cinema at Mother’s Day, na dinaluhan ng pamilya’t mga kaibigan ni Anita, mga nakatrabaho niya, at mga bisita mula sa media.
Nakatrabaho ni Direk Adolf si Anita sa iba’t ibang pelikula, kabilang na rito ang Presa, at ang pinakabagong pelikula ng aktres, ang Circa, na umani ng White Light Post-Production Award sa Hong Kong-Asia Film Financing Film Forum (HAF) noong Marso.
Ginawaran ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño ng achievement award si Anita, na itinuturing na pinakamatandang living actress na aktibo pa rin sa Philippine film industry.
“On behalf of FDCP and the entire industry, we are very happy that we are awarding you this recognition. Maraming-maraming salamat po sa pagiging isang ina sa aming lahat, for being one of the country’s living treasures. You are a living movie legend to all of us,” sabi ni Ms Liza sa kanyang speech.
Proud naman si Ruel Pambid, Jr. na pamangkin siya ng isang Anita Linda.
“Nagpapasalamat kami sa FDCP because, at 94 years of age, binigyan niyo ng parangal ang isang Anita Linda.
“Although of course, we didn’t really look at her as such an actress [but as family]. We’re very proud of her accomplishments because none of her brothers and sisters, none of her nephews, nieces, none of her apos followed in her footsteps. Not one of us became actors or actresses, but we would, of course, relish the fact that the late family produced one such stellar personage in Philippine cinema, and I cannot be more proud that I’m related to Anita Linda,”sabi pa ni Ruel.
-MERCY LEJARDE