ANG Thunderbird - hindi maikakailang pinakanangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong -- ay muling ibinibigay ang buong suporta sa BNTV Cup 9-Stag National Derby – ang pinakasikat na early-bird competition sa Pilipinas.

Ang nagtatag ng BNTV Cup na si Joey Sy na isa sa mga iginagalang na Thunderbird national elite endorsers  ay nagpahayag na  “Kinailangan gawin naming na dalawang araw dahil sa dami ng gustong maglaban ng maaga sa Araneta na umabot na ng halos dalawang-daan ngayo”’ bilang pagpapaliwang kung bakit ang pagbubukas ng 2019 BNTV Cup sa Hulyo uno ay naging dalawang araw na.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

Nasa ikatong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang  9-stag national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

Ang pinakahihintay na pagbubukas ay sa Hulyo 1 & 2 sa Smart Araneta Coliseum para sa simula ng dalalwang buwan na 2-stag eliminations.

Sa Hulyo 11, magkakaroon ng isang ‘straight 5’ na labanan sa New Dauis Cockpit Arena, Bohol;  na susundan ng mga regular na 2-stag elims sa mga sumusunod na lugar at petsa : Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 -  San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at  Hulyo 31 - Edward's Coliseum, N. Ecija.

Sa Hulyo 23 – 27, limang araw na magkakasunod na eliminasyon ang gaganapin sa Manila Cockers' Club sa Carmona, Cavite.

Para sa buwan ng Agosto, ang mga labanan ay sa Homapon Cockpit- Legaspi City (Aug. 2) ; San Pascual Cockpit , Batangas (Aug. 3); New Aringay Slasher Cockpit, La Union (Aug. 5); Bacolor Cockpit, Pampanga (Aug. 5); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 5); Sta. Barbara Coliseum, Pangasinan (Aug. 8); Pasig Square Garden (Aug. 8); San Juan Cockpit, Batangas (Aug. 9); Sta. Monica Cockpit, Quezon City (Aug. 10); Candon Sports Complex, Ilocos Sur (Aug. 10); New Negros Coliseum, Bacolod ‘Straight 5’ (Aug. 10); Bacolor Cockpit, Pmpanga (Aug. 12); Metro Darasa Coliseum, Batangas (Aug. 12); Little Coliseum, San Pablo, Laguna (Aug. 13); B-Meg Integra Power Max Arena -Cebu ‘straight 5’ (Aug. 13); San Juan Coliseum, Metro Manila (Aug.14);  A. Tabora Sports Club, Baguio City (Aug. 14) Zamboanga Don Jun Pe Coliseum ‘Straight 5’ (Aug. 15);  Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 16); Morong Cockpit, Rizal (Aug. 17); San Nicolas Cockpit, Ilocos Norte (Aug. 17); Calaca Cockpit, Batangas (Aug. 17); Lamitan Cockpit, Basilan ‘straight 5’ (Aug. 17); Salceda Sports Arena -Bicol (Aug. 17);  Fantastic Coliseum, San Pablo, Laguna  (Aug. 20); Del Monte Cockpit Arena, Malabon (Aug. 23); Siquijor ‘Straight 5’ (Aug. 23); San Carlos Cockpit, Palawan ‘Straight-5’ (Aug. 24) at Tablas Cockpit Arena, Romblon ‘Straight-5’ (Aug. 24).

Ang  4-stag grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa ika-9 ng Setyembre.