KUMPIYANSA ang mga opisyal ng Pilipinas Sambo Federation, Inc. sa maangas na kampanya ng atletang Pinoy sa pagsabak – sa unang pagkakataon – sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

“May pitong events po ang Sambo sa SEA Games, and we’re hopeful to win five gold medals,” pahayag coach Ace Larida sa pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

“First time po na makakasama ang sambo sa SEAG calendar at dahil host tayo, although may pressure, mas determinado an gating mga atleta na manalo. Actually po, yung Indonesia ang mahigpit nating karibal,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Community Basketball Association (CBA), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Iginiit ni coach Paulo Vitug na ang nakamit na tagumpay ng Team Philippines -- dalawang ginton, dalawang silver at isang bronze medals – sa katatapos na 2nd Southeast Asia Sambo Championship sa Bandung, Indonesia ay isang indikasyon ng kahandaan ng Pinoy sa combat sports.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“Malaki po ang tsansa natin. Although, sambo is practically new sa ating mga kababayan, matagal na po ang sports sa atin. We have fighters in Davao and other parts of Mindanao and Luzon. The sports is the amateur side of mixed martial arts,” ayon kay Vitug.

Sina Chino Tancontian at Patrick Manicad ang nakapaguwi ng gintong medalya sa 82 kgs. men’s sports sambo at 82 kgs. men’s combat, sa Bandung tournament.

“Kami naman po patuloy lang sa ensayo. Ngayon po na kinikilala na ng POC at PSC ang aming sports, tiyak po na mas marami pang atleta ang magpupursige para maging miyembro ng National Team,” pahayag ni Manicad.