MULING magpapalit ng kanilang import ang koponan ng Meralco.

Nakatakdang dumating si Delroy James kapalit ng injured na si Gani Lawal para sa mga nalalabi pa nilang mga laro sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Si Delroy ang magiging ikatlong import ng Bolts ngayong conference, kasunod ni Lawal at Jimmie Lee Taylor na nakaisang laro lamang ngayong mid-season conference.

Ang 6-foot-8 reinforcement na naglaro para sa NCAA Division 1 school Rhode Island noong 2007 hanggang 2011 bago nagsimula ng kanyang pro career sa Bnei Herzliya sa Israeli Basketball Premier League.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Nakapaglaro din si James sa mga liga sa Italy, Turkey, Russia, Greece, at Lebanon gayundin sa NBA G-League.

Huling naglaro ang 32-anyos na Guyanese para sa AEK Athens noong 2019 FIBA Intercontinental Cup.

Bukod sa Meralco, nakatakda ring magpalit ng import ang NLEX.

Ibabalik ng Road Warriors ang dating Canadian Nigerian reinforcement na si Olu Ashaoulu kapalit ni Tony Mitchell.

Kung walang magiging problema, inaasahang maglalaro na si Ashaoulu sa Biyernes sa laban ng NLEX kontra Rain or Shine.

-Marivic Awitan