DOBLE ang paghahanda ang ginagawa ngayon ni Goldwin Monteverde, ang bagong head coach ng  Batangas City-Tanduay Athletics.

MONTEVERDE: Target maibalik ang MPBL title sa Batangas-Tanduay Athletics.

MONTEVERDE: Target maibalik ang MPBL title sa Batangas-Tanduay Athletics.

Nakasalalay sa kanyang balikat ang misyon ng Athletics na mabawi ang korona ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa kasalukuyang season at mawalis ang dalawang laro ng koponan na gagawin sa Dubai.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inanunsiyo kamakailan ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na makakasagupa ng Batangas City-Tanduay  Athletics sa Dubai ang  Datu Cup South Division Champion Davao Occidental Tigers sa Setyembre 27 at ang koponan ni  actor/athlete Gerald Anderson na  Imus Bandera sa Setyembre  28.

Ang mga laro sa Dubai, na maaaring gawin sa Coca-Cola Arena o sa Trade Centre Arena, ay bahagi ng regular season schedule ng MPBL Lakan Cup.

Ang Batangas City-Tanduay ang kaunaunahang kampeon ng MPBL nang makopo nito ang korona sa Rajah Cup  noong 2017. Bagaman kinapos ang Athletics sa Datu Cup noong isang taon ay desidido ang koponan na mabawi ang korona sa season na ito sa ilalim ni coach Monteverde.

Ang Batangas City-Tanduay Athletics ay binubuo nina  Jeff Viernes, Lester Alvarez, Val Acuña, Jason Melano, Dennice Villamor, Jaymo Eguilos, Prince Rivero, Genmar Bragais, Moncrief Rogado, Mark Olayon, Arvin Tolentino, Adrian Santos, Jayson Grimaldo, Ralph Olivares, Earvin Mendoza, Dexter Mescallado, Nikki Perez, at ang actor/sportsman na si Derek Ramsay.

“As a team, our goal is to do our best to win one game at a time and eventually reach the championship. The upcoming games in Dubai is definitely one of the games we are looking forward to,” sabi ni  Monteverde na ginabayan ang  Nazareth School of National University sa kampeonato ng  UAAP juniors basketball.

Isa sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Monteverde ay kung paano niya magagamit ang talento ni Derek Ramsay bilang bahagi ng koponan.

“We are focused on building a cohesive team. Keep everyone focused on the goal,” aniya.

Bago itinalaga si Monteverde  bilang coach ng Atheltics sa MPBL ay naging kampeon na siya sa  National Basketball Training Center, Palarong Pambansa, Metro Manila Basketball League at Tiong Liam Basketball League.

Sa unang laro ng Batangas City-Tanduay sa kasalukuyang season ay binigo nito ang  Muntinlupa, 79-70, sa pangunguna ni Viernes na nagtapos na may 25 puntos sa laro.