MAINIT na pinag-uusapan ang aktor sa isang grupo ng mga supporters, dahil ang kampo pala niya ang gumagawa ng sarili niyang “praise release”, bukod pa sa nagpapakalat din ng kung anu-anong isyu, na sila rin naman ang sasagot.Nadulas ang isang supporter ng aktor sa kausap nitong bagong recruit na supporter din, na may basbas sila ng aktor at ng kampo nito na magpakalat ng kung anik-anik na isyu para may sagutin sila.

Ang bagong recruit na supporter ay maraming tsikang reporters, kaya kaagad na kumalat ang “sekreto” ng aktor at kampo nito.

Hindi lang inamin o hindi pa siguro nabibigyan ang bagong recruit na supporter ng allowance mula sa kampo ng aktor, para sa pangangailangang ipakalat ito sa social media.

Eh, ‘di ba libre naman ang pagpo-post sa social media?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi, may bayad, para mag-trending ka,” sabi sa amin ng social media influencer.

Going back sa aktor at kampo nito, pasimple raw silang gumalaw kaya maganda ang imahe ng aktor sa publiko. Ang lumalabas tuloy na kontrabida ay ang mga tumitira sa aktor, na sa totoo naman ay ang kampo rin ng huli ang may pakana.

Hmm, ito pala ‘yung kuwento sa amin kamakailan ng grupo ng supporters na hindi namin masyadong binigyan ng pansin. Kasi nga kapag away-away na nila kontra sa ibang artista ay ayaw naming magkomento, dahil baka mapasama pa kami, lalo’t matabil din ang dila namin.

Tanda naming sabi, “’Yan po ang teknik para lagi kang trending, gumawa ng isyu at ipakalat.”

Nabigla naman kami sa aming isinagot, “Eh, gawain naman ‘yan ng mga taong walang magawa sa buhay. Mga hindi busy, nakabantay lang sa social media.”

At napa-smile lang sa amin ang aming kausap.

-Reggee Bonoan