NAGLABAS ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng Memorandum Circular (MC) No. 2019-01 sa “Policies and Guidelines on the Theatrical Release of Films in Philippine Cinemas”, kasunod ng ilang consultations kasama ang film industry stakeholders at ang publiko.

“Ang Memorandum Circular na ‘to ang culmination ng pagsisikap ng FDCP para mapatatag ang industry practices at antas ng playing field para sa lahat ng aming stakeholders mula sa film producers, sa distributors, sa aming exhibitors, pati na rin sa audience—sa pamamagitan ng transparent at fair set ng guidelines na nag-address ng gaps na matagal nang salot sa industriya sa pagpapalabas ng mga pelikula sa commercial theatres,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.

Pinangunahan ni Ms Liza ang meetings at dialogues tungkol sa industry practices simula nang naluklok siya sa puwesto noong 2016. Pagkatapos ng formal consultations kasama ang producers, theatres, at distributors para i-draft ang nilalaman ng guidelines, nagkaroon ng public consultation kasama ang stakeholders, na ginanap noong Abril 25, 2019 sa Cinematheque Centre Manila.

Dumalo rin sa dialogues at nagbigay ng suporta sa pag-develop ng guidelines ang partner government agencies ng FDCP, gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Department of Trade and Industry-Export Management Bureau (DTI-EMB), at Office of the Presidential Legal Counsel and Spokesperson.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Para itaguyod ang paglago’t pagsulong ng Philippine cinema, inilabas ang bagong mga patakaran sa pamamagitan ng isang MC sa local at foreign films, kasama na rito ang paglipat ng theatrical release ng local at foreign films sa buong bansa mula sa Miyerkules sa Biyernes para i-accommodate ang mas maraming potential moviegoers sa weekend.

Magkakaroon din ang bawat booked film para sa theatrical release ng minimum run-length na hindi bababa sa pitong araw, pati na rin ng theater assignment guarantee para sa unang tatlong araw para maiwasang ma-pull out ang mga pelikula sa mga sinehan.

May itatakda ring “full screens” para sa booked films para sa unang tatlong araw ng kanilang exhibition. Ipagbabawal ang “screen splitting,” o double booking, at exhibition para sa single theatre screen.

Susundin ang pagkakaroon ng isang equitable ratio sa pagitan ng Filipino at foreign films sa regular playdates para bigyan ang local films ng mas malaking tyansang mapanood, maliban kung mayroong national film festival, gaya ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at Metro Manila Film Festival (MMFF).

Para hikayatin ang kabataang manood ng local films sa mga sinehan, ang recommended national average movie ticket prices kada Miyerkules para sa mga estudyanteng edad 18 pababa ay magiging P200 sa Metro Manila, habang ang maximum provincial rate ay P150.

Samantala, ang theatrically released na mga pelikula naman ay maaaring ipalabas sa ibang platforms sa bansa pagkatapos lang ng holdback period na 150 araw, pagkatapos ng unang araw ng exhibition nito, para ma-maximize ang revenue opportunity ng mga pelikula sa local cinemas.

Ang mga patakaran at alituntunin ay magkakabisa 15 araw pagkatapos mailathala ang circular sa isang pambansang pahayagan nitong Hunyo 25.

-Reggee Bonoan