PINATUNAYANG muli ng ABS-CBN kung bakit isa ito sa mga hinahangaang korporasyon sa bansa makaraang tanghalin bilang ang natatanging media network na pinarangalan ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa mahusay na pamamalakad sa kumpanya.
Tinanggap ni ABS-CBN chief financial officer Aldrin Cerrado ang tropeo para sa Kapamilya network sa ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Recognition Ceremony, kung saan kinikilala ang mga kumpanyang maayos ang pagpapatakbo at sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno.
Ani Cerrado, mahalaga ang corporate governance para manatiling matibay at nangunguna sa industriya ang 65-taon gulang na kumpanya.
“Mahalaga na maipakita natin sa ating mga stakeholder at investor na tama ang pamamahala sa organisasyon para patuloy nila tayong suportahan, at patuloy din nating magampanan ang misyon nitong maglingkod sa mga Pilipino,” aniya.
Dagdag niya, sinusunod ng ABS-CBN ang pamantayan ng ICD, na may layuning itaas ang kalidad ng polisiya sa corporate governance sa bansa na papantay sa mundo. Pinag-aaralan nito ang mga gawain ng mga kumpanya tulad ng ABS-CBN at ginagawaran ang mga organisasyon na magaling at kahanga-hanga ang pamamalakad. Bukod sa ABS-CBN, ginawaran din ng ICD ng parangal ang iba pang kumpanya ng Lopez Group tulad ng Lopez Holdings Corporation at First Gen Corporation.
Ilan sa malalaking personalidad ng movie industry ang nagsusulong para igawad sa namayapang beteranong aktor na si Eddie Garcia ang pagiging National Artist.
Kabilang si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto na nagsasabing karapat-dapat na ibigay kay Manoy Eddie ang nasabing National Artist award, nang makapanayam ang aktres-pulitiko sa huling lamay ng aktor sa Heritage Memorial Park, last Saturday, June 22.
Pahayag ni Ate Vi (palayaw ng aktres-pulitiko): “Siyempre alam naman ng lahat that Tito Eddie is an institution. Nararapat lamang na ibigay sa kanya yung para sa kanya kasi, kung mayroon man tayong dapat hangaan, up to his last breath ay siya iyon na nasa show business.”
Nasa burol din ni Eddie si Senator-elect Lito Lapid at nagpahayag ng kanyang suporta sa nasabing layunin.
Ani Senator Lito: “Dapat siguro. Wala pang nakakakuha sa rekord niyang ganyang edad na 90 tapos nakakapag-action pa siya, ‘yun nga, wala pa siyang sakit.”
Maging si Christopher De Leon ay dismayado na hindi na naabutan pa ni Manoy ang National Artist Award kung ibibigay man ito sa namayapang legendary actor.
Katuwiran ni Boyet: “Ba’t ‘di ninyo binigay nu’ng buhay pa siya? ‘Di ba? He could have appreciated that when he was still alive, and now he’s up there... beyond. All the credentials are here.”
Nagbigay din ng kanyang hinaing ang Singkuwento Festival founder at direktor na si Perry Escano sa kanyang social media post. Para sa kanya, bakit laging nahuhuli ang gobyerno sa pagbibigay karangalan sa isang alamat ng sining? Kung kailan nawala, saka napapansin na pag-ukulan ng tribute?
“I don’t understand why we don’t recognize some distinguished Filipino artists as National Artists when they are still alive? Sometimes we just realize the importance of honoring them after death despite having contributed a lot of their talents that have gained national and international recognitions. Are we afraid to squeeze out from the government funds to support their monthly pension, health and medical benefits? Or maybe the university and political war between the committee?” post ni ng Singkuwento festival organizer.
Iginiit din ni Direk Perry ang kanyang pagsusulong sa mga natitira at nabubuhay pang personalidad na nararapat na bigyan ng National Artist Award.
“We have plenty of artists to give honor. We have Ms. Nora Aunor, Ms. Anita Linda, maestro Ricky Lee and Armando Lao (Screenwriters), Lav Diaz, Joel Lamangan, and Brillante Mendoza (Filmmakers), and Neil Daza (Cinematographer). Yes these are the Filipino artists who had made significant contributions to the development of Philippine arts. Why don’t we recognize them while they are
-ADOR V. SALUTA