KABILANG ang apat na miyembro ng Swimming Pinas -- Jasmine Micaela Mojdeh, Jordan Ken Lobos, John Neil Paredes at Jules Mervien Mirandilla – sa 20-man swimming team na isasabak ng Team Philippines sa 11th ASEAN School Games sa Hulyo 17-25 sa Semarang Central Java.
Sa listahan na inilabas ng Department of Education (DepEd), tumatayong organizers sa partisipasyon ng Philippine contingent, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), ang apat na elite swimmers ng Philippine Swimming League (PSL), ay sasamahan ng mga kapwa Palarong Pambansa standouts at gagabayan ni coach Virgilio De Luna, PSL Vice President - Elite Swimmers at President of PSL Coaches Association.
“Masayang-masaya po ako. Excited din po kasi po talagang nagpupursige kami sa training para makasama sa Philippine Team. Gagawin po namin ang aming makakaya,” pahayag ng internationalist multi-medalist, sa pamamagitan ng kanyang ina na si Joan.
Sa edad na 13-anyos, si Mojdeh ang pinakabatang miyembro sa swimming team.
Sa katatapos na Palaro, sumabak si Mojdeh sa unang pagkakataon sa high school competition.
Bukod sa apat, kasama rin sa koponan sina Rian Marco Tirol, Miguel Barreto, Philip Joaquin Santos, Keanne Cedrid Ting, Steven Ho, Samantha Therese Coronel, Thanya Angelyn Dela Cruz, Althea Michel Baluyot, Xiandi Chua, Camille Lauren Buico, Mary Sphia Manantan at Janelle Alisa France Lin.
Ang Asean School Games ay taunang torneo tampok ang mga secondary school students mula sa Association of South East Asian Nations.
Kabilang sa mga bansang kalahok ang Thailand, Vietnam, Malaysia, Myanmar, Cambodia, Brunei Darussalam, Laos, Philippines, Singapore at host Indonesia.
The ASG meet is a tough race to compete in. Most of Sea Games athletes usually compete in ASG. We hope and pray for the best to the entire PH team.They are all talented swimmers with excellent coaches guiding them,” pahayag ni Joan Mojdeh, tumatayong team manager ng Swimming Pinas.