Patay ang isang magsasaka habang apat pang kasamahan ang nasugatan nang tamaan sila ng kidlat habang abala ang mga ito sa pagtatanim ng palay sa Tacloban City, nitong Miyerkules.

KIDLAT

Binawian ng buhay sa Eastern Visayas Regional Medical Center si Rexie Siquijod, 35, ng Sitio Malipuron, Barangay Guinciaman, San Miguel, Leyte, dahil sa pagkasunog ng katawan bunsod ng lakas ng boltaheng tumama sa kanya.

Dinala rin sa nasabing pagamutan sina Erlinda Solayao 60; Vima Antoni , 59; Marilyn Erandio, 42; at Zaldy Antoni, 20, dahil sa sugat sa kani-kanilang katawan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nagtatanim ng palay ang mga ito nang biglang tamaan sila ng kidlat, dakong 11:20 ng umaga.

-Marie Tonette Marticio