Nanawagan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sa pamunuan ng Angat Dam na pangalagaan at tipirin ang imbak na tubig nito sa gitna ng nararanasang kakapusan ng supply nito sa Metro Manila.

DAM

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, binanggit din nito ang sitwasyon ng mga magsasaka na madalas napagkakaitan ng irrigation water sa panahon ng tag-init.

Gayunman, nagpapakawala aniya ng tubig ang nasabing water reservoir dahil sa labis na supply nito kapag pumapasok ang tag-ulan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Ang ating mga magsasaka ang kauna-unahang naaapektuhan sa tuwing nagkakaroon ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam sapagkat sila ang unang pinuputulan ng supply nito sa irigasyon. At ang mga pananim din nila ang unang nasasalanta kapag nagpapakawala ng tubig ang mga dam sa Bulacan sa panahon ng tag-ulan,” sabi nito.

Binigyang-diin din nito ang naging kalagayan ng mga Dumagat na nakatira sa nasasaklawan ng dam dahil hindi nakakakuha ng tubig at elektrisidad mula sa reservoir at umaaasa lamang ang mga ito sa ulan upang makakuha ng inumin.

“We will call the attention ng mga namamahala ng dam. We will bring the issue again to them. Sila ang tunay na nagmamay-ari, ang mga indigenous ng ating kabundukan. Sila ay dapat kabahagi diyan na nakikinabang at hindi pinababayaan. Kung mayroon na unang magkakaroon ng kuryente, dapat ay sila. Ang unang dapat magkaroon ng malinis na tubig, dapat ay sila,” pahayag pa nito.

-Freddie C. Velez