IPINAKITA ni Robert Bolick na handa siyang mag takeover upang pamunuan ang koponan ng NorthPort matapos ang pagkawala ng dati nilang top gunner na si Stanley Pringle.

Dalawang laro mula ng i-trade ng Batang Pier si Pringle sa Barangay Ginebra kapalit ng trio nina Kevin Ferrer, Sol Mercado at Jervy Cruz, pinangunahan ng rookie guard mula sa San Beda ang kanyang koponan upang magkamit ng quarterfinals berth sa ongoing PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala si ng Bolick average na 19.0 points, 7.5 rebounds, at 9.5 assists sa kanyang all-around game na nagresulta sa back-to-back wins kontra Rain or Shine at Blackwater nas nag-angat sa kanila sa liderato kasalo ng TNT sa markang 7-1.

Dahil sa impresibong performance ng 23-anyos na tubong Leyte, nakamit nya ang kanyang unang PBA Press Corps-Cignal Player of the Week award noong Hunyo 17-23.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tinalo niya para sa lingguhang citation ang kakamping sina Sean Anthony at Moala Tautuaa, Jayson Castro at Roger Pogoy ng TnT Katropa, San Miguel Beer guard Alex Cabagnot, Paul Lee ng Magnolia, Pringle at si Jericho Cruz ng NLEX.

Sa unang laro ng NorthPort na wala si Pringle, sina Bolick at Tautuaa ang namuno sa Batang Pier na humabol mula sa 25-puntos na pagkakaiwan upang magapi ang Rain or Shine Elasto Painters sa overtime, 107-105.

Tumapos si Bolick na 22 puntos kabilang na ang pressure-pack 3-pointer 11 segundo ang natitira sa regulation upang ihatid ang laro sa overtime.

Tatlong araw kasunod nito, kinulang lamang si Bolick ng isang rebound para makapagtala ng triple double sa kanilang 127-99 paggapi sa Elite makaraang tumapos na may 16 puntos, 9 na rebounds, at 10 assists.

Aminado si Bolick na malaki ang utang na loob nya kay Pringle kung anuman ang ipinapakita nya ngayon sa NorthPort.

“Gusto ko siyang makasama ng mas matagal. Kaso one conference lang, madami pa sana akong matututunan. Kung ano man meron ako ngayon (sa) laro ko, lahat, sa kanya (Pringle) ko natutunan yun,” ani Bolick.

-Marivic Awitan