Isinapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong opisyal ng pamahalaan, kabilang na si Chief Supt. Allan Iral bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at si retired military general Ricardo Morales bilang board member ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

(kuha ni JAY GANZON)

(kuha ni JAY GANZON)

Ito ay matapos pirmahan ng pangulo ang appointment paper ni Iral noong Hunyo 25.

Si Iral, dating officer-in-chief ng BJMP mula pa nitong Marso, ay papalit kay Deogracias Tapayan na magreretiro na sa serbiyo.

Politics

Ilang senador, itinangging pinag-usapan politika sa pa-dinner nina PBBM, FL Liza

Naging Regional Director din si Iral sa BJMP-Davao at Cental Visayas.

Ipinuwesto ni Duterte si Morales bilang board member ng PhilHealth kasunod na rin ng pagpirma sa appointment letter ng huli noong Hunyo 25.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, matagal nang napili ni Duterte si Morales upang pamunuan ang PhilHealth sa gitna ng mga irregularidad sa ahensya.

Bukod kina Iral at Morales, itinalaga rin ng punong ehekutibo sina ang negosyanteng si Amable Aguiluz V bilang special envoy to the Gulf Cooperation Council mula Hulyo 1, 2019 hanggang Hunyo 30, 2020.

Inilagay din nito sa puwesto si Lourdes dela Cruz bilang Deputy National Statician ng Philippine Statistics Authority.

Kasama rin sa presidential appointees sina Jon Castro, Clark Development Corporation board member; gayundin sina Woodrow Maquiling at Rowena Montecillo, kapwa Director IV ng Department of Tourism.

-Genalyn D. Kabiling