ITATAYA ni WBC No. 9 super bantamweight Mark John Yap ng Pilipinas ang kanyang mataas na ratings sa walang talong Amerikano na si Angelo Leo sa Hunyo 28 sa Sam’s Town Hotel & Gambling Hall, Las Vegas, Nevada sa United States.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Yap sa US matapos magbase nang matagal sa Japan kung saan naging OPBF bantamweight champion siya at tinalo lamang sa puntos ng kasalukuyang interim WBC bantamweight champion Takuma Inoue ng Japan.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Madalas namang lumaban sa Las Vegas si Leo na tinalo ang mga Pilipinong sina Glenn Porras via 1st round knockout at John Neil Tabanao sa 10-round unanimous decision kaya tiyak na mapapasabak siya sa slugger na si Yap.

May perpektong kartada si Leo na 17 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Yap ay may rekord na 30 panalo, 13 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña