GENERAL TRIAS, Cavite – Nanaig ang kabataan sa karanasan sa finale ng Community Basketball Association.

NAGDIWANG sa center court ang mga miyembvro, opisyal at tagasuporta ng San Juan Knights matapos tanghaling kampeon sa Community Basketball Association (CBA) Founders Cup nitong Linggo sa Gen. Trias Sports Center. Nasa larawan din sina CBA founder Carlo Maceda, maybahay na si Derlyn Maceda at Commissioner Pido Jarencio.

NAGDIWANG sa center court ang mga miyembvro, opisyal at tagasuporta ng San Juan Knights matapos tanghaling kampeon sa Community Basketball Association (CBA) Founders Cup nitong Linggo sa Gen. Trias Sports Center. Nasa larawan din sina CBA founder Carlo Maceda, maybahay na si Derlyn Maceda at Commissioner Pido Jarencio.

Ginapi ng North champion San Juan Knights ang South titlist at host General Trias Braves, 75-64,sa winner-take-all final para tanghaling CBA Pilipinas Central champion nitong Linggo sa Gen.Trias Sports Cente.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nanguna si Paul Victoria sa ratsada ng Knight's sa naiskor na 17 puntos, 10 rebounds at pitong assists.

Tinanghal siyang "Best Player of the Game."

Nag-ambag sina Jhonard Clarito at Noah Lugo ng tig-15 puntos, habang kumana si Christian Bunag ng 12 puntos at walong rebounds para sa Knights, nagwagi sa Caloocan Supremos sa North championship ng torneo na itinataguyod ng Globe Telecoms, Spalding at Arceegee Sports Wear.

“We played our usual game. Alam namin na lamang sila sa experience,  kaya the game plan really was to use our speed and one-on-one plays," pahayag ni San Juan coach Randy Alcantara.

"Na-neutralize namin yun experience at maganda yung naging rebounding namin, kaya nakatakbo kami," aniya.

Kasama niya sina assistant coach Yong Garcia at Melvin Caruz.

Nanguna si  Chester Ian Melencio sa Braves na may 17 puntos.

Iskor:

      San Juan Knights (75) - Victoria 17, Lugo 15, Clarito 15, Bunag 12, Aguirre 8, Reyes 2, Bonifacio 2, Rosopa 2, Ubalde 2, Saret 0, Acol 0

     General Trias Braves (64) - Melencio 17, Rivera 11, Prudente 9, Evangelista 8, Delos Santos 7, Laureno 6, Porto 4, Guillen 2, Tajonera 0, Alcaraz 0, Bondoc 0

      Quarterscores: 17-15, 37-27, 58-34, 75-64.