MULING bumalik ang tikas ni 8-times Illinois USA Champion (IM) International Master Angelo Young matapos makopo ang gold sa board one sa katatapos na 1st Hampton Gardens Chess Team Tournament nitong Linggo sa Hampton Gardens, 100 C. Raymundo Avenue sa Maybunga, Pasig City.

Ang 1982 Philippine Junior Champion at 1982 Asian Junior third placer na si Young ay nakamti ang gold medal na may undefeated record 6.5 points mula sa six wins at draw sa seven outings.

“I’m very happy to win again in Board 1, especially in a tough tournament like this,” sabi ng 55-years-old Young, kakatawanin ang bansa sa World Seniors Chess Championship na gaganapin sa Nobyembre 11 hanggang 24 sa Bucharest, Romania.

Subalit ang Young’s Pasig Team 1 ay tumapos ng 17th overall na may 8 match points sa one-day rapid tournament na inorganisa ng Pasig City Chess Association sa gabay nina president Noli S. Cruz at chairman Jeifreyson M. Grande na nilahukan ng 40 teams na may kabuuang 120 chess players.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang iba pang miyembro ng Young’s Pasig Team 1 ay sina Christopher Megino at Paul Josef Alcodia.

Ang Team Caniogan na sinelyuhan nina Vince Angelo Medina, Marguel Soria at Jaime “Kuting” Criste ay nakaipon ng 12 match points sapat para kunin ang titulo sa 7 Round Swiss-tournament para maiuwi ang top prize P30,000 at trophy.

Sina National Arbiters Alfredo Chay at Israel “Ice” Landicho ng Chess Arbiter Union of the Philippines ang nangasiwa sa one-day chessfest na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.