SANTA MONICA, Calif. (AP) — Banderang kapos ang Milwaukee Bucks sa NBA Finals.

Sa ginanap na NBA Awards, ang Bucks ang sentro ng usapan.
Napaluha si Giannis Antetokounmpo, tinaguriang ‘Greel Freak’, ng tanggapi ang Most Valuable Player awards at Coach of the Year para kay Mike Budenholzer nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Santa Monica.
Ginapi ni Antetokounmpo, 24, sina Paul George ng Oklahoma City at James Harden ng Houston, para tangahling unang Greek player na nagwagi ng pinakamataas na individual araw sa sa kasaysayan ng NBA.
Nakamit ni Antetokounmpo ang kabuuang 941 puntos mula sa 78 first-place votes sa balloting — 165 puntos ang bentahe kay Harden, ang MVP sa nakalipas na 2018 season..
"MVP is not about stats and numbers, and obviously James Harden had unbelievable numbers and Paul George also, but obviously it's about winning," pahayag ni Antetokounmpo. "We created great habits throughout the season and were able to stick by them, and that's why we were able to have a chance in every single game we played and were able to win 60 games."
Nasentro sa international players ang gabi ng parangal. Tampok ang tatlong iba pang pang international players na nabigyan ng awards.
Naitala ni Antetokounmpo ang averaged 27.7 puntos at 12.5 rebounds.
"We started from nothing as a family," aniya. "and we are going to be in every stage that we can be as a family."
Hindi rin napigilan ni Budenholzer ang mapaluha nang tanggapin ang parangal.
Naihatid niya ang Bucks sa 60-22 record sa regular season sa kanyang unang taon sa prangkisa para makalaro ang Bucks sa Eastern Conference finals kung saan tinalo sila ng eventual NBA champion Toronto.
"What they did on the court this year, including the playoffs, was special," sambit ni Budenholzer. "We weren't good enough in the end, but we certainly feel like we have enough talent, we have enough character to be a team that's playing in the finals and winning a championship."
Ginapi niya sina Denver's Mike Malone at Doc Rivers ng Los Angeles Clippers.
Nakamit naman ni Lou Williams ang Sixth Man of the Year sa ikalawang sunod na season at ikatlo sa kanyang career para tapatan ang career ni dating Los Angeles Clipper guard Jamal Crawford.
.Naungusan ni Williams ang kasanggang si Montrezl Harrell, at Domantas Sabonis ng Indiana.