MAGKAKAALAMAN ng saloobin ang lahat ng miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) sa gaganaping Extraordinary General Assembly ngayon sa GSIS building sa Pasay City.

Sentro ng usapin ang resolusyon sa liderato ng Olympic body matapos ang biglaang pagbibitiw ni boxing chief Ricky Vargas bilang pangulo ng pinakamataas na sports body sa bansa.

Isinulong ng Executive Board – binubuo ng mga opisyal na kaalyado ni dating POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco – ang ‘line of succession’ ng kanilang iluklok kaagad-agad si 1st vice president Jose ‘Joey’ Romasanta.

Kaagad itong binara ni POC Chairman at chess chief Abraham ‘Bambol’ Tolentino,gayundin ni deputy secretary-general Karen Tanchangco-Cabalero at isinusulong ang special election kung saan ang GA membership ang pipili ng bagong pinuno ng Olympic body.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Batay sa POC Bylaws article 7 section 6, si Tolentino bilang Chairman ay may kapangyarihan na magpatawag ng eleksyon sa loob ng 30 araw kung ang first vice president at vice president ay hindi kwalipikado na maging presidente, sa biglaang pagbibitiw ng pangulo.

Si Romasanta ay hindi na pangulo ng volleyball group, habang si 2nd vice president Jeff Tamayo ng soft tennis ay hindi bahagi ng Olympic sports.

“The GA is the highest and most powerful group in POC.”

-ANNIE ABAD