TAMANG programa at paghahanda. Ipinamalas ng Go For Gold Philippines Continental Cycling Team ang kahandaan sa impresibong kampanya sa katatapos na 10th Le Tour de Filipinas.

KAHANGA-HANGA ang Go for Gold cycling team sa nakalipas na Le Tour de Filipinas – ikatlong torneo ngayong taon bago ang 30th SEA Games.

KAHANGA-HANGA ang Go for Gold cycling team sa nakalipas na Le Tour de Filipinas – ikatlong torneo ngayong taon bago ang 30th SEA Games.

Nagpamalas ng lakas at katatagan sina Jonel Carcueva at Daniel Ven Carino , kasama sina Ismael Grospe at Jericho Lucero para makamit ng Go For Gold ang parangal na ‘Best Filipino team’ sa limang araw na karera na sanctioned ng UCI (Union Cycliste Internationale) bilang 2.2 category race.

“As a young team with young Pinoy riders, I believe this validates the faith we have given our developmental team and shows the enormous improvement they have made against other powerhouse Filipino teams,” pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kahanga-hanga ang mga miyembro ng Go For Gold na nagpamalas din ng determinasyon at husay sa naunang Ronda Pilipinas at PRURide PH— kung saan nakuha nina Grospe at Carino ang parangal na best young rider.

“Of course, we would have preferred to get a better placing, especially in the best young rider category, which we had successfully won in our two previous UCI races,’’ pahayag ni Go, vice president for marketing ng Powerball Marketing & Logistics Corporation.

Ang best young rider award ay ibinibigay sa best-performing cyclist na may edad 23 pababa.

Kaagad na nakuha ng Go For Gold cyclist ang atensyon ng foreign rivals sa pagsikad ng Stage 1 sa Tagaytay City, sa kabila ng pagkabigo si team captain Elmer Navarro.

Tamang diskarte at solid na teamwork ang ginamit nina Lucero, Grospe, Carino at at Carcueva, batay na rin sa programa na inilahad ni Go For Gold project director at head coach Ednalyn Hualda.

Impresibo ang ginawa ng koponan sa second stage tungo sa Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte para sa final three laps sa Legazpi City, Albay at Sorsogon.

Sa huli, naungusan ng Go For Gold riders ang Philippine National Team ng dalawang minute gayundin ang 7Eleven Cliqq-Air21 by Road Bike Philippines ng 31 minuto at 26 segundo para tanghaling best Filipino squad sa karera na nagbibigay ng UCI ranking points para sa 2020 Tokyo Olympics.