Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 4 of Best-of-5 Finals

(Blue Eagles lead series, 2-1)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4 p.m. - CEU vs Cignal-Ateneo

TULUYAN ng tapusin ang serye at ganap na angkinin ang titulo ang tatangkain ng Cignal-Ateneo sa Game Four ng 2019 PBA D-League Finals kontra Centro Escolar University ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Lumapit ang Blue Eagles sa inaasam na kampeonato matapos ang 67-52 panalo nila noong Game Three victory matapos ang 74-77 na kabiguan nila noong Game Two.

Ayon kay Ateneo deputy coach Sandy Arespacochaga patuloy pa rin sila sa pinaladadaanang proseso ng pagpapakas ng kanilang koponan kung saan kailangan nilang matuto.

“We have to play each game and be present for each game. We can’t look past every game and we have to make sure we do our job for the next game,” ani Arespacochaga.

Muling inaasahan upang mamuno sa Blue Eagles sina Conference MVP Isaac Go, Ivorian center Ange Kouame at Thirdy Ravena.

Kailangan din nila ang overall prowess buong Cignal-Ateneo bench para magwagi sa salpukang magsisimula ng 4:00 ng hapon.

Para naman sa CEU, “nothing to lose” sila para kay coach Derrick Pumaren na ipinagmamalaki ang kanyang koponan sa kanilang inabot.

“Like what I said before, these boys are already champions in my eyes. Whatever happens, we’re just going to go out and try to give a hell of a fight to Ateneo,” wika ni Pumaren.

Muli na namang sasandigan si Senegalese slotman Maodo Malick Diouf para sa Scorpions na magtatangkang pahabain ang series kasama sina Rich Guinitaran, Jerome Santos, at Franz Diaz.

-MARIVIC AWITAN