GINULANTANG ng Boss Emong ang mga karibal, sa pangunguna ng liyamadong Real Gold -- naiwan ng halos kalahating dipa – sa dikitang ratsadahan sa finish line para makamit ang kampeonato sa second leg ng Philippine Racing Commission’s 2019 Triple Crown series nitong Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

GINULAT ng Boss Emong (1) ang lahat, kabilang ang liyamadong first-leg winner Real Gold (7), sa 2nd leg ng Philracom Triple Crown series nitong Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

GINULAT ng Boss Emong (1) ang lahat, kabilang ang liyamadong first-leg winner Real Gold (7), sa 2nd leg ng Philracom Triple Crown series nitong Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Itinuturing na ‘darkhorse’ sa karera na tinampukan ng pinakamahuhusay na three-year-olds, hinabol ng Boss Emong ang Best Regards at sa kalagitnaan ng karera bago humataw sa huling 600 metro para pakainin ng alikabok ang Jayz.

“Sinunod ko lang po ang bilin nila boss, kung hindi kaya mauna, sunod sunod lang kami. Pero noong last 600, kinuha ko na,” sambit ni jockey Camanero. “May bisyo talaga itong si Boss Emong, humihinto kaya nakahabol ang iba pero itinodo ko na sa huli.”

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Naiuwi ng Boss Emong ang P1.8 milyon mula sa kabuuang premyo na P3 milyon para sa may-ari na si Edward Vincent Diokno, personal na tinanggap ang premyo at tropeo mula kina Philracom commissioner Aurelio De Leon at Victor Tantoco, Philippine Racing Club Inc. manager Oyet Alcasid Jr. at PRCI Handicapper Tony Selda.

Nakuha naman ni Antonio Tan ang winning breeder’s prize na P100,000.

Nagtangka sa huling ratsadahan ang JP A Guce-ridden Real Gold, kampeon sa first leg sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa nakalipas na buwan, ngunit hindi na niya kinaya ang karibal at tumapos na runner-up para sa premyong P675,000 para sa may-aring C&H Enterprises.

Pangatlo ang Jayz, sakay si JA Guce at pagma-mayari ng SC Stockfarm, para sa premyong P375,000.

Samantala, nagwagi ang My Jopay (jockey Pat Dilema) sa Philracom Hopeful Stakes at naiuwi ang premyong P600,000 para kay owner Moises Villasenor.

Pangalawa ang Two Timer (jockey JA Guce, owner Melaine Habla) kasunod ang The Accountant (CP Henson, Luis Aguila).

Sa Philracom 3YO Locally Bred Stakes Race, bumida ang My Shelltex (JB Guce, Antonio Tan Jr.), Silab (AR Villegas, Benjamin Abalos Jr.) at Weather Lang (JB Hernandez, Melaine Habla).

Nakatakda ang final leg ng Triple Crown sa MetroTurf sa Malvar, Batangas sa Hulyo July 21 para sa pinakamahabang distansiya na 2,000 meters.