Isang kakaibang kasunduan ang naganap nitong nakaraang buwan sa pagitan ng isang Connecticut fugitive at Torrington Police Department, matapos mangako ang wanted na susuko kung aabot ng higit 15,000 likes sa facebook ang kanyang wanted poster.

WANTED

Sa pagbabahagi ng Oddity Central, wanted ang 29-anyos na si Jose Simms sa seven counts of failure to appear in court, ngunit nitong nakaraang buwan, nang ibahagi Torrington Police Department ang kanyang wanted poster sa Facebook page, nagkomento ito at sinabing payapa siyang susuko kung aabot ng 20,000 likes ang kanyang wanted poster.

Humiling naman ang pulisya na ibaba nito sa 10,000 likes ang kanyang alok, hanggang sa nagkasundo sila sa15,000 likes. Matapos itong mabalita, nagsimula nang i-share ang post at ang wanted poster hanggang sa naging viral at umabot sa pinagkasunduan. Ngunit makalipas ang ilang mga araw hindi sumuko si Jose. Gayunman, noong Hunyo 19, isang buwan matapos ang kasunduan, tumawag ito sa Enfield Police Department para sunduin siya.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Payapa namang sumama ang wanted sa pulisya na nakatakda nang dinggin ang kaso. Habang umabot pa sa 29,000 likes at 1,700 comment ang nakuha ng kanyang wanted poster.