Natuklasan kamakailan ng isang 62-anyos na babaeng Russian na ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang tiyan sa loob ng dalawang dekada ay dulot ng surgical clamp na naiwan sa kanyang tiyan matapos siyang ma- caesarean, ulat ng Oddity Central.

SURGERY

Matagal nang idinadaing ni Ezeta Gobeeva, pensioner mula Russia ang acute abdominal pain mula nang dumaan siya sa isang C-section operation noong 1996, ngunit sinasabi ng mga doktor na atay ang dahilan nito. Kamakailan lamang, pinayagan na siya para sa X-Ray matapos niyang ireklamo na walang epekto ang gamot na kanyang iniinom. Sa x-ray, natuklasan nilang ang dahilan ng kanilang sakit sa tiyan ay dulot ng isang surgical clamp na naiwan sa kanyang tiyan 23 taon na ang nakararaan.

“She said ‘It shows scissors, you have scissors inside you’,” pagbabahagi ni Ezeta sa isang pahayagan. ‘”What scissors?’I asked, and she showed me the X-ray image. I was shocked, I remember nothing after that. I was crying, I was in hysterics. For so many years I was tortured.”

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

Ang surgical clamp ay kahawig ng gunting na ginagamit ng mga doktor sa paghawak ng mga tissues at surgical swabs. Nakatakda nang operahan ni Ezeta para tanggalin ang surgical clamp. Habang iniimbestigahan na ang ospital na nag-opera sa kanya noon.