LIBU-LIBONG mag-aaral sa probinsiya ng Pampanga ang nangako ng suporta sa pamahalaan para sa patuloy na paglaban kontra sa ilegal na droga at terorismo sa bansa.
Sa pamamagitan ng provincial peacebuilding seminar ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na idinaos kamakailan sa Bren Z. Guiao Convention Center sa lungsod ng San Fernando, mahigit 1,000 Kapampangang lider mag-aaral, ang nangako ng pakikiisa at pagtulong para sa kampanya ng pamahalaan.
Ang seminar ay pinangunahan ng Pampanga Peace and Order Council, sa pakikipagtulugan sa Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines upang maiangat ang kaalaman at maisulong ang adbokasiya laban sa paggamit ng ilegal na droga at maiwasan ang panghihikayat sa mga kabataan na sumali sa mga ‘terrorist-affiliated groups.’
“This aimed to educate and engage the youth in discussions about the ill-effects of illegal drugs and terrorism in the society,” pahayag ni DILG provincial director Myrvi Apostol-Fabia.
“The seminar also served as an avenue for students to voice out and clarify their concerns relative to the government’s programs in combating illegal drugs and terrorism,” dagdag pa ni Fabia.
Tampok sa naging programa ang panunumpa at paglagda sa pakikiisa ng mga kabataan sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo Program (KKDAT) na pinamamahalaan ni Lt. Colonel Levi Hope Basilio, police chief ng Lungsod ng San Fernando.
PNA