Hindi maipagkakaila na isang certified Avengers fan ang 30 anyos na si Agustin Alanis.
Sa ulat ng United Press International, 114 na beses lang naman niyang pinanood ang Avengers: Endgame sa sinehan at hangad pa niya na makamit ang 200 beses at makakuha ng Guinness World Record.
Limang beses kada weekend pinapanood ni Alanis ang tatlong oras na pelikula sa paghahangad na makaabot siya sa 200 beses bago pa ito tanggalin sa mga sinehan.
Pakay rin niya na makuha ang Guinness World Record para sa pinakamaraming beses na napanood ang superhero film.
Ayon kay Alanis, nahigitan na niya ang dating record para sa “most cinematic productions attended” sa kaparehong pelikula. Isang Anthony Mitchell ang nakapagtala ng record para sa 103 screenings ng Avengers: Infinity War.